Thursday, October 9, 2008

paradox bonding

ionic… covalent

intelligent… foolish

day… night

noise… silence

easy… hard

love… hatred

huge… small

light… dark

c#*@%^&*(()_… c!@#&+_()&^

lovers… strangers

for a moment

everything is contradictory

that’s what we are…

different

I think Im broken for a while

I hate to move on

i hate to do it every minute

i hate to do it every second

Everytime i see her,

my efforts are gone

i hate to see her coldest eyes

i hate to hear her fiery silence

they’re hurting me

How can i escape you…

escape the reality that youre already gone…

How can i fix myself

my questions let my heart drown for a while

and somehow, i dont know what to do…

I only know one thing…

I have to move on

(para sa kanya at sa magkaiba naming lipunan)

painting with my father

Alam ko na hindi sa lahat ng panahon, mahahawakan natin ang ating mga magulang… Alam ko rin na kukunin sila sa pinakamasakit na paraan… Gumawa ako ng blog ngaun kasi nabasa ko ung kei angelou… tungkol dun sa pagkawala ng kanyang itay…

Ewan ko ba kung bakit ako naiyak… siguro maxado ko lang mahal ung tatay ko kea naramdaman ko ang sakit na dinadanas nia… Hay, auko silang mawala… Maxadong mahirap isipin lalo na’t ibinigay nila lahat ng pagmamahal nila sa akin dahil ako ang nmag-iisa nilang anak.

Madalas nga eh sobra mag-aalala si dadi, karaniwan ko ng makikita ang pangalan niya sa aking call list ko kapag 7 na ng gabi… O kapag di aq nagtxt ay tatawag yan sa mga kaklase ko dati… Kinabukasan tuloy pagtatawanan ako ng mga kaklase ko dahil mukha daw akong bata… ayun todo hiya naman ako sa kanila dahil naabala pa sila…

Mag-aaway pa kami niyan pag nalaman ko… sisigawan ko siya… magdadabog ako… pero sa kabilang banda mararamdaman ko na mahal lang talaga ako ni dadi at di niya keang mawala ako sa kanya…

Naaalala ko ng nung magsigawan kami at nagalit talaga ko sa kanya… Si mami ko, di naman kami pinakekeelaman, hanggang sa sobrang galit ko ay nakahawak ako ng baso at nabasag ko ito sa lapag… Nagulat ako ng sumikip na lang ang dibdib niya at nahirapang huminga… Pulang pula na sya…

Kinabahan ako ng panahong iyon at tila baga naging tuta ako sa sobrang takot…. Ung parang napapanood ko sa pelikula… Itinigil ko ng sumigaw at nagsimulang magsori sa kanya… (salamat sa Diyos maayos naman siya)…

Minsan tuloy naisip ko pano kung nangyari ang kinatatakot ko… Hay, sa isang banda, umiyak na lang ako… umiyak… at patuloy umiyak….

Kinausap pa nga ako ng kapatid ni dadi eh…

Sabi niya… Kapag nawala ang tatay mo, siguradong sasabihin mo na sana niyakap mo na lang xa bagkus sinigawan mo, sana hinalikan mo na lang xa nung panahong nagkakagulo keo, sana sinabi mo na lang na mahal mo sya nung panahong nagdadabog ka….

Sa isang sulok, napag-icip ako… oo tama sila, saka mo lang makikita na maganda ang bagay kapag nawala na ito sa mga kamay mo. Saka mo lang masasabi ang magaganda nitong aspeto kapag hindi mo na ito nakikita.

Kea ngaung mga panahon, kapag may pagkakataon akong yumakap kai dadi, yayakap ako… Tapus pabiro ko na lang sasabihing “pengeng pera.” Pero sa totoo lang un ang paraan ko upang masabi ko na mahal na mahal ko siya. Sakaling mangyari man sa kanyang pagtanda, alam ko na napakita ko kung gano xa kahalaga.

(salamat poh… dahil kahit di mo ko naturuan kung pano mag-aral ng science, math, english… kahit di ka nakapagtapos… alam ko na tinuruan mo akong magmahal at magpahalaga sa mga taong nasa paligid ko… at un ang mas mahalaga na yaman na naibigay mo sa akin (bukod sa load ko gabe gabe)

Wag ka mag-alala, kapag nagkatrabaho na ko, di na kayo kikilos para isipin kung pano ang bukas… uupo na lang kayo at pagmamasdan kung pano ako nagsisiskap para mailagay kayo sa isang malaking bahay at magakaroon ng maraming damit…

Lahat ng to para sau… para sau ang medalyang matatanggap ko, para sayo ang diploma ko… para sa inyo lahat…

Nagpapasalamat ako dahil kayo ang mga magulang ko…

Ang korni ko na ata… hehe… pero lahat ng yan ay totoo.)

Sori sa nabaduyan sa akin… pano niyo ko masisi eh nag-iisang anak lang ako

In a different perspective

(part lang to ng ginawa kong sanaysay)

Ngunit sa totoo lang, mabubuhay tayo kahit walang relasyon, kahit walang nagsasabi ng mahal kita, hindi kita iiwan, kumain ka na poh, umuwi ka na, dito lang ako sa tabi mo at marami pang iba na tiyak na nakakasawang pakinggan.

Sa totoo lang, sa una lang masaya magmahal. Sa una ka lang makakangiti ng totoo dahil habang tumatagal ang panahon, mararanasan mo ng maramdaman na hindi lahat ng masarap ay masaya at hindi lahat ng masaya ay masarap.

At patuloy itong tatakbo sa iyong diwa, pipigtas sa iyong kaluluwa at kukulong sa isang hinagpis na mahirap makawala. Oo, tama. Isang hinagpis na tatagal ng segundo, minuto, oras at mga araw na tila kumuha sa isang ngiti na mahirap pagtagumpayan.

Sa kabilang banda, hindi naman lahat ng masakit ay masama at hindi lahat ng masama ay masakit. Sa paggalaw ng oras, marami kang matututunan na higit sa iyong inaasahan. Marahil isa kong natutunan sa isang relasyon ay ang di pagtitiwala sa mga pangako at mga mapanlinlang na pahayag.

“Mahal kita, hindi kita iiwan, mamatay man ako!”

wooooshhhoooo! mamatay ka man? nakanang! lakas ng fyting spirit ah…Para namang hindi ka talaga iiwan… Para namang mamamatay sya para sau, eh matusok nga lng ng karayom, aayaw na eh, un pa kayang mamatay. (Kapag may nagsabi sau nyan, try mong tusukin sya ng icepik ng matauhan… sinungaling eh).

anyway, going back… haha…

Hindi dapat maniwala sa isang pangako, tanga lang ang naniniwala sa isang matamis na pahayag. Walang absoluto sa mundo, lahat nagbabago. Pinapana tayo ng katotohanang bilog ang mundo at hindi sa lahat ng pagkakataon masaya tayo. Palagi mong isipin na hindi lahat ng masaya ay masarap.

(wahahaha! trip lang to, wag mo ng basahin)