Thursday, October 9, 2008

In a different perspective

(part lang to ng ginawa kong sanaysay)

Ngunit sa totoo lang, mabubuhay tayo kahit walang relasyon, kahit walang nagsasabi ng mahal kita, hindi kita iiwan, kumain ka na poh, umuwi ka na, dito lang ako sa tabi mo at marami pang iba na tiyak na nakakasawang pakinggan.

Sa totoo lang, sa una lang masaya magmahal. Sa una ka lang makakangiti ng totoo dahil habang tumatagal ang panahon, mararanasan mo ng maramdaman na hindi lahat ng masarap ay masaya at hindi lahat ng masaya ay masarap.

At patuloy itong tatakbo sa iyong diwa, pipigtas sa iyong kaluluwa at kukulong sa isang hinagpis na mahirap makawala. Oo, tama. Isang hinagpis na tatagal ng segundo, minuto, oras at mga araw na tila kumuha sa isang ngiti na mahirap pagtagumpayan.

Sa kabilang banda, hindi naman lahat ng masakit ay masama at hindi lahat ng masama ay masakit. Sa paggalaw ng oras, marami kang matututunan na higit sa iyong inaasahan. Marahil isa kong natutunan sa isang relasyon ay ang di pagtitiwala sa mga pangako at mga mapanlinlang na pahayag.

“Mahal kita, hindi kita iiwan, mamatay man ako!”

wooooshhhoooo! mamatay ka man? nakanang! lakas ng fyting spirit ah…Para namang hindi ka talaga iiwan… Para namang mamamatay sya para sau, eh matusok nga lng ng karayom, aayaw na eh, un pa kayang mamatay. (Kapag may nagsabi sau nyan, try mong tusukin sya ng icepik ng matauhan… sinungaling eh).

anyway, going back… haha…

Hindi dapat maniwala sa isang pangako, tanga lang ang naniniwala sa isang matamis na pahayag. Walang absoluto sa mundo, lahat nagbabago. Pinapana tayo ng katotohanang bilog ang mundo at hindi sa lahat ng pagkakataon masaya tayo. Palagi mong isipin na hindi lahat ng masaya ay masarap.

(wahahaha! trip lang to, wag mo ng basahin)

No comments: